Mar Roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte

GINUGOL ni senatorial candidate Mar Roxas ang mga nalalabing araw ng kampanya sa pagpapalakas ng puwersa sa malalaking lalawigan sa bansa na pawang naging balwarte niya noong 2016 elections.

The post Mar Roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte appeared first on Abante News Online.

mar roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte - Mar Roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte
mar 6 - Mar Roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte

GINUGOL ni senatorial candidate Mar Roxas ang mga nalalabing araw ng kampanya sa pagpapalakas ng puwersa sa malalaking lalawigan sa bansa na pawang naging balwarte niya noong 2016 elections.

Sinuyod ni Roxas nitong nagdaang araw ang lalawigan ng Cebu at Iloilo na parehong may malalaking botante.

Ang Iloilo, bahagi ng isla ng Panay, ay isa sa nagbigay ng malaking boto kay Roxas noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 20016. Malaking boto rin ang nakuha ni Roxas sa Cebu.

Kumpiyansa pa rin si Roxas na mananalo sa May 13 midterm elections kahit na hindi siya nakapasok sa Magic 12 ng April survey ng Pulse Asia.

“Ang pinakamahalaga dito ay ‘yung damdamin at saloobin ng ating mga kababayan na lumalabas sa araw ng election. Kasi doon sa voting booth sila lang, pangarap nila, ano ang gusto nila mangyari para sa kanilang mga anak, para sa kanilang komunidad at pagbabatayan nila ‘yung mga kandidato, ‘yung mga track record at boboto sila. So, ako malaki ang tiwala ko sa mga Pilipino na pipiliin tayo,” saad ni Roxas sa isang ambush interview sa Talisay, Cebu.

The post Mar Roxas nagpalakas ng puwersa sa mga balwarte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *