Mar: Press freedom pundasyon ng maayos na bansa

NANINIWALA si Mr. Palengke Mar Roxas na ang masigla at malayang pamamahayag ay pundasyon ng maayos na bansa tungo sa magandang pamamahala.

The post Mar: Press freedom pundasyon ng maayos na bansa appeared first on Abante News Online.

mar press freedom pundasyon ng maayos na bansa - Mar: Press freedom pundasyon ng maayos na bansa
abante Mar Roxas - Mar: Press freedom pundasyon ng maayos na bansa

NANINIWALA si Mr. Palengke Mar Roxas na ang masigla at malayang pamamahayag ay pundasyon ng maayos na bansa tungo sa magandang pamamahala.

Sa kanyang mensahe sa World Press Freedom Day habang nag-iikot sa Legazpi City public market, sinabi ni Roxas na dapat manatiling malaya ang mga mamamahayag upang mas maging maingat ang mga nasa pamahalaan dahil may mga mabusising tagapagbantay sa kanilang mga kilos.

“Napakahalaga na manatiling malaya ang ating mga mamamahayag dahil kahanay sila ng pamahalaan para sa good governance. Dapat hayag at transparent ang lahat ng gawain ng pamahalaan kaya importante na ang ating media ay malaya at malakas ang hanay. Kaya sinusuportahan ko sila at binabati ko sila sa World Press Freedom Day”

Binigyang-diin ni Roxas na ang kanyang mga naging posisyon sa gobyerno ay isang bukas na aklat para sa media dahil wala naman siyang dapat itago.

“Ang transparency ko sa lahat ng posisyon na aking hinawakan ang dahilan kung bakit wala silang maibato sa akin na katiwalian maliban sa mga fake news,” sabi pa ni Roxas.

Nanindigan din si Roxas na ipaglalaban ang karapatan ng press freedom sa lahat ng aspeto ng kanyang pamamahala, lalo na sa kanyang pagbabalik bilang senador.

The post Mar: Press freedom pundasyon ng maayos na bansa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *