Mar kay Ping: Salamat sa tulong

Nagpasalamat si dating Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas kay Senador Panfilo Lacson sa ginawang pagtatanggol sa kanya kaugnay sa pondo ng Yolanda.

The post Mar kay Ping: Salamat sa tulong appeared first on Abante News Online.

mar kay ping salamat sa tulong - Mar kay Ping: Salamat sa tulong
mar 1 - Mar kay Ping: Salamat sa tulong

Nagpasalamat si dating Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas kay Senador Panfilo Lacson sa ginawang pagtatanggol sa kanya kaugnay sa pondo ng Yolanda.

Bunsod ito ng sinabi ni Lacson sa Kapihan sa Senado noong nakaraang Huwebes, Marso 28 na naaawa siya kay Roxas dahil binibira ito sa isyu ng Yolanda funds gayong wala naman itong kinalaman sa nasabing pondo.

“He really didn’t have anything to do with the funds for Yoland. I find it unfair that he became the poster boy for Yolanda. Kahit ‘yun man lang ang maitulong ko kay Mar Roxas, ma-correct lang sana ‘yun at huwag naman ibato sa kanya ang isyu,” wika ni Lacson sa nasabing forum.

Nang hingan ng komento kahapon hinggil sa sinabi ni Lacson, labis ang ginawang pasasalamat ni Roxas sa senador.

“Of course maraming salamat kay Sen. Ping Lacson na tumatayo para sa katotohanan na hindi dumaan sa akin ‘yung pera. Ang totoo naman niyan, wala akong kinalaman sa Yolanda funds na ‘yan. Lumabas ‘yan ng panahon ng kampanya na walang basehan,” saad ni Roxas. (Lorraine Gamo)

The post Mar kay Ping: Salamat sa tulong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *