Manyak na Pinoy sa New York inaresto

NEW YORK — Kabilang ang isang Pinoy sa 82 katao na inaresto ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa limang araw na Enforcement and removal operations sa New York City.

manyak na pinoy sa new york inaresto - Manyak na Pinoy sa New York inaresto
kulong 11 - Manyak na Pinoy sa New York inaresto

NEW YORK — Kabilang ang isang Pinoy sa 82 katao na inaresto ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa limang araw na Enforcement and removal operations sa New York City.

Ang 30-taong gulang na Pinoy na hindi na muna pinangalanan ng ICE ay inaresto sa Bronx dahil sa conviction sa kasong possessing­ sexual performance sa menor de edad.

40 sa mga naaresto ang itinurn-over sa local police sa New York at isinailalim sa active detainer.

Sa ilalim ng active detainer, maaring i-hold ang isang preso at abisuhan ng local na awtoridad ang Federal law enforcement kung papalayain na nila ang isang detainee.

Pero dahil isa ang New York City sa mga Sanctuary City sa Amerika napalaya ang halos karamihan sa mga naaresto dahil hindi kinikilala ng mga Sanctuary City ang nationwide enforcement and removal operations ng ICE.

Karamihan sa mga undocumented na ina­resto ng ICE ay may mga kasong rape, kidnapping, pagbebenta ng iligal na droga at pag-iingat ng baril.

Bukod sa Pinoy kasama rin sa mga inaresto ang mga ­indibidwal mula sa mga bansang Algeria, Colombia, Dominican Republic, El Salvador, Ghana, Guatemala, Guyana, Haiti, Honduras, India, Jamaica, Mexico, Peru, Spain, at Ukraine. (Mark ­Navales)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *