Manoy ng rapist ni esmi pinutol

KUSANG-LOOB na sumuko ang isang 27-anyos na lalaki matapos niyang putulan ng ari ang nanggahasa sa kanyang asawa.

manoy ng rapist ni esmi pinutol - Manoy ng rapist ni esmi pinutol
raped 1 - Manoy ng rapist ni esmi pinutol

KUSANG-LOOB na sumuko ang isang 27-anyos na lalaki matapos niyang putulan ng ari ang nanggahasa sa kanyang asawa.

Nasaksihan umano ng lalaki, na hindi pinangalanan, ang pangri-rape sa kanyang misis (na hindi rin pinangalanan) ng suspek na si Dmitry Ivchenko, 25-anyos, noong Oktubre 13, ayon sa Dailymail report.

Bago ang insidente ay nakipag-dinner sa kanilang mga kaibigan ang mag-asawa sa kalapit na restaurant sa Shevchenkovo, Ukraine.

Naunang umuwi ang babaeng biktima dakong ala-una nang madaling-araw saka sumunod ang kanyang mister makalipas ang sampung minuto. Nang malapit na sa kanilang apartment ang biktima, hinila ito ng suspek.

Ayon sa mister ng babae, nang duma­ting na siya sa kanilang apartment buil­ding, nakarinig siya ng i­ngay mula sa kalapit na halamanan.

Dito niya nakita si Ivchenko na sinasakal ang kanyang asawa habang ginagahasa ito.

Bilang paghihiganti, agad sinuntok sa ulo ng mister ang suspek at matapos ay pinutol ang ari nito gamit ang dala niyang Swiss army knife.

Kinasuhan ng ‘causing grievous bodily harm’ at inilagay sa house arrest ang mister habang dinala naman sa Shevchenko District Hospital ang suspek para ibalik ang naputol nitong ari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *