Manny Villar pinakamayaman sa ‘Pinas – Forbes

ANG dating senador at real estate magnate na si Manny Villar ang pinakamayamang Pilipino sa bansa na ang ari-arian ay nagkakahalagang $6.6 bilyon o katumbas na P344 bilyon.

manny villar pinakamayaman sa pinas forbes - Manny Villar pinakamayaman sa ‘Pinas – Forbes
villar 9 - Manny Villar pinakamayaman sa ‘Pinas – Forbes

ANG dating senador at real estate magnate na si Manny Villar ang pinakamayamang Pilipino sa bansa na ang ari-arian ay nagkakahalagang $6.6 bilyon o katumbas na P344 bilyon.

Ito ay ayon sa kwenta ng Forbes magazine na nag­lalabas taon-taon ng listahan ng mga pinakamayayamang tao sa mundo, pati na ang Philippines’ 50 Richest.

Pero kung pagsasamahin ang yaman ng anim na anak ng yumaong si Henry Sy Sr. sila ang maituturing na pinakamayaman sa Pilipinas sa kanilang ari-arian na nagkakahalagang $17.2 bilyon. Ang mga Sy ang may-ari ng SM at BDO.

Si John Gokongwei Jr. naman ang pangatlo sa pinakamayaman na $5.3 bilyon ang halaga ng mga pag-aari. Pang-apat si Enrique Razon ng ICTSI na may $5.1 bilyon.

Panglima si Jaime Zobel de Ayala na may $3.7 bil­yon at pang-anim sa Lucio Tan na may $3.6 bilyon.

Si Tony Tan Caktiong ng Jollibee ang pangpito na may $3 bilyon at si Ramon Ang ng San Miguel Corp. ang pangwalo na may $2.8 bilyon.

Ang apat na mga anak ni George Ty ang pangsiyam sa listahan na may $2.6 bilyon. Sila ang nagmamay-ari ng Metrobank, Federal Land, at sila din ang partner ng Toyota sa Pilipinas.

Pang-10 naman si Andrew Tan ng Mega­world at Emperador na may $2.55 bilyon. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *