Manila Water pinagmulta ng ₱1.1B sa water crisis

PINALULUWA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang Manila Water Company Inc. ng mga Ayala ng P1.134 bilyon dahil sa kawalan ng tubig sa service area nito na nakaperwisyo sa marami.

The post Manila Water pinagmulta ng ₱1.1B sa water crisis appeared first on Abante News Online.

manila water pinagmulta ng e282b11 1b sa water crisis - Manila Water pinagmulta ng ₱1.1B sa water crisis
tubig 2 - Manila Water pinagmulta ng ₱1.1B sa water crisis

PINALULUWA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang Manila Water Company Inc. ng mga Ayala ng P1.134 bilyon dahil sa kawalan ng tubig sa service area nito na nakaperwisyo sa marami.

Ayon sa MWSS, ang P600 milyon sa babayarang multa ay gagamitin para mag-develop ng bagong water supply.

Dagdag pa ng MWSS, ang P1.134 bilyong multa ay hiwalay pa sa P500 milyon na financial relief na ibibigay nito sa mga customers na nawalan ng tubig kung saan hindi nila pinagbayad ngayong Abril ang pinaka naperwisyo at binawasan ng 10 cubic meters and sisingilin sa lahat ng mga kostumer ngayong Abril.

Sabi nina MWSS chairman Franklin Demonteverde at MWSS administrator Reynaldo Velasco, inaprubahan ng MWSS board ang buong rekomendasyon ng MWSS regulatory office pagdating sa multang ipinataw sa Manila Water dala ng hindi nito natupad ang Article 10.4 ng concession agreement na nagsasabing kailangang 24/7 dapat ang tubig ng mga kostumer nito.

Sinabi ni Manila Water president and CEO Ferdinand de la Cruz na susunod ang kompanya sa desisyon ng MWSS board. Kahit na hindi Manila Water ang ugat ng problema sa kakulangan ng tubig, sinabi ng kompanya na responsibilidad pa rin nila na seguruhin ang uninterrupted water service sa mga customers nito.

Dagdag pa ni De la Cruz, patuloy silang makiki­pag-ugnayan para masolusyonan ang kakulangan ng water supply ng Manila Water bagama’t bumaba na ang kakulangan sa 57 million liters per day na nasa 150 million liters nu’ng kasagsagan ng krisis.

Sinisi ng MWSS board and krisis sa tubig sa administrasyon ng MWSS nu’ng panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na inupuan ang mga water supply proposal ng Manila Water at hindi nagpumilit na magkaroon ng buffer o palugit sa water supply. (Eileen Mencias)

The post Manila Water pinagmulta ng ₱1.1B sa water crisis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *