Manila Port paralisado

NAGING malaking parking­ lot ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa Manila South Harbor simula Biyernes nang madaling-araw dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng habagat.

manila port paralisado - Manila Port paralisado
ABANTE roxas - Manila Port paralisado

NAGING malaking parking­ lot ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa Manila South Harbor simula Biyernes nang madaling-araw dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng habagat.

Nabatid na nagkabu­hol-buhol ang trapiko sa Roxas Boulevard hanggang­ pier matapos i-shutdown ng Philippine Port Authority (PPA) ang operasyon ng Manila Port dahil sa masamang panahon. Nagsimula umano ang trapik alas-tres nang madaling-araw.

Sinuspinde ng PPA ang Terminal Appointment Booking System (TABS) sa Manila South Harbor dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ikinagulat naman ng mga trucker ang biglang pagpapatigil sa operasyon ng Manila South Harbor na hindi man lang umano sila inabisuhan muna.

Ayon kay Ruperto Bayocot, chairman ng Confederation of Truckers Association of the Philippines, sana binigyan sila ng advance notice hinggil sa pagtigil ng operasyon sa pier para maabisuhan din kaagad ang kanilang mga truck na huwag nang lumabas.

Ipinahayag naman ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi magamit ang magnetic lifter dahil sa malakas na hangin dulot ng masamang panahon kaya’t dakong alas-dos nang hapon pa lamang noong Huwebes ay isinara na ang pier na nagresulta naman sa paghaba ng pila ng mga truck.

Nalaman na apektado rin ng trapik ang iba pang kalsada sa lungsod ng Maynila kabilang ang Lacson-España, Otis, Nagta­han, Quirino, at maging ang mga side street na pa­labas ng Roxas Boulevard.

Dahil dito, nanawagan si Moreno sa mga moto­rista na huwag muna tangkaing dumaan sa mga pangunahing kalsada patungo sa pier gaya ng Roxas Boulevard at Road 10.

“Ayon sa Philippine Port Authority, ang masamang kalagayan ng panahon ang dahilan ng pagbagal ng processing sa loob ng pier kung kaya bumagal ang paglabas ng mga truck mula sa loob ng South Harbour at MICT simula pa kahapon,” paliwanag ni Moreno sa kanyang Facebook page. ­(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *