Manila Bay linisin ‘wag gawing beach

Mas mabuting ginamit na lang ng pondo sa pagpapaganda ng baywalk sa Manila Bay sa paglinis ng tubig at hindi para gawing white sand beach ito.

The post Manila Bay linisin ‘wag gawing beach first appeared on Abante.

manila bay linisin wag gawing beach - Manila Bay linisin ‘wag gawing beach
abantew white sand - Manila Bay linisin ‘wag gawing beach

Mas mabuting ginamit na lang ng pondo sa pagpapaganda ng baywalk sa Manila Bay sa paglinis ng tubig at hindi para gawing white sand beach ito.

Ito ang sinabi ni Senadora Binay sa budget hearing ng panukalang pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Binanggit pa ni Binay ang Supreme Court mandamus kung saan inatasan ang 13 ahenisya ng gobyerno na linisan, i-rehabilitate at ipreserba ang Manila Bay.

“Ang mandamus naman talaga is to clean the water and not to create ‘yung beach. Dahil limitado na ‘yung pondo, baka ‘yung pondo na gagastusin for the baywalk, baka dapat mas nilagay na lang sa paglilinis ng tubig,” sabi ni Binay.

“Maganda ‘yung nakikita natin na white sand pero ‘yung babalikan natin, madumi pa rin ‘yung tubig,” dagdag pa nito.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, target ng ahensiya na gawing tourist center ang baywalk. (Dindo Matining)

The post Manila Bay linisin ‘wag gawing beach first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *