Mangingisda inasinta ng kaaway

Bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang mangingisda nang barilin ito ng isa sa tatlo niyang kaaway kamakalawa nang hatinggabi sa Navotas City.

mangingisda inasinta ng kaaway - Mangingisda inasinta ng kaaway
patay 6 - Mangingisda inasinta ng kaaway

Bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang mangingisda nang barilin ito ng isa sa tatlo niyang kaaway kamakalawa nang hatinggabi sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang si Greg Samson, alyas ‘Jonjon’, 32-anyos, residente ng Block 32, Lot 29, Phase 2, Barangay NBBS, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.

Nadakip naman ang isa sa tatlong suspek na kinilalang si Lester, menor de edad, habang pinaghahanap pa ang kanyang mga kasamahan na sina Edward Sansuwi, nasa hustong gulang at alyas ‘Apit’, pawang naninirahan sa Phase 1, Barangay NBBS, Navotas City.

Kuwento ni Chistopher Garcia, 18, estudyante, kakuwentuhan niya ang tiyuhing biktima na si Greg sa loob ng covered court sa kahabaan ng Block 33, Dagat-Dagatan, Barangay NBBS, Navotas City, bandang alas-12:24 nang hatinggabi.

“Bigla dumating ‘yung tatlo (suspek) tapos nilapitan ‘yung uncle ko ni Edward saka kinompronta,” ani Christopher.

Bigla raw nagsagutan sina Greg at Edward at nauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pag-uusap hanggang sa bumunot ng baril ang huli at pinaputukan ang una, pero hindi ito nasapul at ang tinamaan ay si Lester sa kaliwang kamay.

Lalo raw nagalit ang suspek nang makita nitong duguan ang kasamahan kaya muling pinutukan ang biktima na tinamaan sa gitna ng dibdib at nagresulta ng kanyang kamatayan.

Tumakas sina Edward at si alyas ‘Apit’ habang si Lester ay isinugod sa ospital kaya ito nahuli ng mga pulis.

Dinala ang binatilyo sa custodial facility ng Women’s and Children Concerened Desk (WCPD), habang hinahanting pa ang dalawa niyang kasamahan para masampahan ng karampatang asunto.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga pulis upang malaman ang motibo ng pagpatay. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *