Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW

Binigyang-DIIN ng Social Security System (SSS) na tungkulin ng ahensya na ipatupad ang mga probisyon na itinakda sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 at naninindigan nakabatay ito sa desisyon ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa lahat ng Pi­lipino dito at sa iba­yong bansa. Ang batas ay produkto ng malalim at mahabang diskusyon sa pagitan ng SSS, mga stakeholde­r, at mga mambabatas mula sa Kongreso.

The post Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

mandatory coverage ng sss sa mga ofw - Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW
ofw7 - Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW

Binigyang-DIIN ng Social Security System (SSS) na tungkulin ng ahensya na ipatupad ang mga probisyon na itinakda sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 at naninindigan nakabatay ito sa desisyon ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa lahat ng Pi­lipino dito at sa iba­yong bansa. Ang batas ay produkto ng malalim at mahabang diskusyon sa pagitan ng SSS, mga stakeholde­r, at mga mambabatas mula sa Kongreso.

Ayon sa pamunuan ng SSS, nagsagawa sila ng pampublikong konsultasyong bago at matapos maipasa ang Social Security Act of 2018 salungat sa mga naunang pahayag ng ibang mga sektor particular na ang komu­nidad ng mga overseas Filipino wor­ker (OFW) na hindi sila kinonsulta sa pagbalangkas ng batas. Ginanap ang ang pagdinig sa pampublikong konsultasyong para sa SS Act of 2018 noong Marso 1 at 4 sa Cebu at Manila habang nagkaroon ng hiwalay na pampublikong konsultasyong noong Abril 29 patungkol sa mandatory coverage ng mga OFW sa ilalim ng SS Act of 2018.

Dinaluhan ang mga pagdinig na ito ng mga kinatawan mula sa Filipino Association of Mariners’ Employment Inc., Philippine Association of Service Exporters Inc., Joint Manning Group, Associated Marine Officer’s and Seamen’s Union of the Philippines, at Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers Inc.

Sinabi rin ng ahensya na dapat tingnan ang SSS bilang isang paraan ng pag-iipon at hindi karagdagang gastusin. Mayroong pitong benepisyo ang SSS na maaaring makuha ng mga OFW tulad ng pagkakasakit, pa­nganganak, pagkabalda, pagreretiro, pagpapali­bing, pagkamatay at pagkawala ng trabaho.

Batay sa datos ng SSS, uma­bot lamang sa 325,601 ang bilang ng mga OFW na nakapagbayad lamang ng isang buwang kontribusyon.

Ito ay higit na mababa kum­para sa 2.3 milyong OFWs na naitala ng Philippine Statistics Authority sa pinakabagong istatistika ng Philippine Statistics Office mula Abril hanggang Setyembre 2018.

Pinabulaanan din ng ahensya ang mga pahayag na hindi nito ginagawa ang tungkulin na mangolekta ng kontribusyon mula sa mga miyembro sa pamamagitan ng kanilang mga employer. Ipinapakita ng talaan ng SSS na malaki ang itinaas ng koleksyon ng kontribusyon mula sa miyembro simula nang umupo sa puwesto ang kasalukuyang administrasyon—mula sa P132 bil­yon noong 2015 at P144 bilyon noong 2016 na naging P159 bil­yon noong 2017 at P181 bilyon noong 2018.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng SSS, ang pagtaas ng koleksyon ay bunga ng agresibong pangongolekta sa pamamagitan ng implementasyon ng Run After Contributions Evaders, ang bersyon ng SSS ng Operation Tokhang at ang pag-iisyu ng Warrants of Distraints, Levy, and Garnishment sa mga delingkuwenteng employer.

The post Mandatory coverage ng SSS sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *