Mandatory beep card sa Edsa busway pinatigil

Sinuspinde na ng Department of Transportation at ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang pag-obliga sa mga pasahero sa EDSA busway magbayad gamit ang Beep card matapos tumanggi ang AF Payments Inc. na saluhin ang gastos sa paggawa ng card.

The post Mandatory beep card sa Edsa busway pinatigil first appeared on Abante.

mandatory beep card sa edsa busway pinatigil - Mandatory beep card sa Edsa busway pinatigil
abante edsa bus way 1 - Mandatory beep card sa Edsa busway pinatigil

Sinuspinde na ng Department of Transportation at ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang pag-obliga sa mga pasahero sa EDSA busway magbayad gamit ang Beep card matapos tumanggi ang AF Payments Inc. na saluhin ang gastos sa paggawa ng card.

Simula ngayong Lunes, suspendido na ang mandatory use ng beep card sa EDSA Busway hanggang hindi maresolba ang isyu ngunit sinabi ng DoTr na maari pa ring magamit ang mga beep cards bilang pambayad ng pamasahe dito.

Magkakaroon na ng cash payment na babayaran sa kahera sa mga estasyon at pagsusuotin sila ng face shields, face masks, at gloves para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ayon sa DOTr, maghahanap ang EDSA Bus Consortia ng ibang automatic fare collection system provider para ma solusyunan ang problema at magkakaroon ng pulong sa iba pang mga providers sa Martes.

Ipinaliwanag ng AF Payments Inc. na P80 ang halaga ng card at hindi na nila ito maibababa pa dahil may kasamang chip sa card kung saan nababasa ang halaga na nakaload dito. (Eileen Mencias)

The post Mandatory beep card sa Edsa busway pinatigil first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *