Mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief – Ping

Karapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si dating police officer Cezar Mancao II bilang executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

The post Mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief – Ping first appeared on Abante.

mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief ping - Mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief – Ping
ping 5 - Mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief – Ping

Karapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si dating police officer Cezar Mancao II bilang executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Tugon ito ni Senador Panfilo Lacson nang matanong sa tv interview hinggil sa pagkakatalaga ni Mancao sa nasabing puwesto.

“The President can appoint an angel, the President can appoint a devil, he can appoint even Lucifer to any government post basta presidential appointee. So, that’s all that I can say. It’s presidential prerogative,” pahayag ni Lacson.

Matatandaang inakusahan dati ni Mancao si Lacson bilang mastermind umano sa pagpatay kay publicist Salvador `Bubby’ Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito na nangyari noong 2000.

Si Lacson, dating Philippine National Police (PNP) chief, ay inabsuwelto ng Court of Appeals at pinagtibay din ito ng Supreme Court.

Isa rin si Mancao sa kinasuhan sa Dacer-Corbito double murder case. Sumuko ito sa PNP noong Enero 2017 matapos na tumakas sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2013.

Nauna nang sinabi ni Lacson na pinatawad na niya si Mancao subalit hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. (Dindo Matining)

The post Mancao kahit demonyo puwedeng cybercrime chief – Ping first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *