Manahimik kayo, ligtas ang China bakuna! Sinovac una sa PH, 25M dose ibabagsak na

Buwenamanong darating sa bansa sa Pebrero ang bakuna ng Sinovac.

The post Manahimik kayo, ligtas ang China bakuna! Sinovac una sa PH, 25M dose ibabagsak na first appeared on Abante.

manahimik kayo ligtas ang china bakuna sinovac una sa ph 25m dose ibabagsak na - Manahimik kayo, ligtas ang China bakuna! Sinovac una sa PH, 25M dose ibabagsak na
abnate sinovac - Manahimik kayo, ligtas ang China bakuna! Sinovac una sa PH, 25M dose ibabagsak na

Buwenamanong darating sa bansa sa Pebrero ang bakuna ng Sinovac.

Ito ang ibinalita ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng hnihintay na bakuna ng mga Pilipino laban sa COVID-19.

Sinabi ni Roque na 25 million doses ang makukuha ng gobyerno mula sa Sinovac at paunang darating sa bansa sa susunod na buwan ay 50,000 doses para masimulan na ang vaccination program ng gobyerno.

“Meron po tayong magandang balita. Sang-ayon po sa Department of Health, magkakaroon na po tayo ng ating unang 25million doses of COVID-19 vaccine from Sinovac at darating na ang bakuna sa Pilipinas sa susunod na buwan,” ani Roque.

Pero sinabi ng kalihim na huwag agad magdiwang ang mga Pilipino sa pagdating ng vaccine dahil kailangan pa rin ang masusing pag-iingat laban sa COVID-19.

Bukod sa 50,000 doses mula sa Sinovac, mayroong 15,000 na isasalang sa clinical trial kaya aabot sa 65,000 ang Pilipinong mabibigyan agad ng bakuna.

“Ito ay in addition doon sa 15,000 na clinical trial na gagawin dito sa Pilipinas. Ibig sabihin by February at least 65,000 thousand na ang mabibigyan ng bakuna,” dagdag ni Roque.

Ang natitirang bakuna mula sa 25 million doses ay inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na buwan hanggang sa makumpleto ito pagdating ng Disyembre.

“Sa Marso magkakaroon tayo ng 950,000 additional doses ng Sinovac at sa Abril one million dose, sa Mayo one million dose, sa June two hanggang mabuo ang 25 million pagdating ng Disyembre,” wika ni Roque.

Bukod sa Sinovac, inaasahang darating na rin sa bansa sa pagitan ng Hunyo o Hulyo ang mga bakuna ng Pfizer at AstraZeneca.

Iginiit rin ng Malacañang na ligtas at epektibo ang bakunang gagamitin ng mga Pilipino.

Sinabi ni Roque na kaya hindi dumaan sa clinical trial sa China ang Sinovac, Sinofarm at Casinovac dahil wala na halos kaso ng COVID sa nasabing bansa kaya sa mga bansang may marami kaso ginawa ang clinical trial.

“Huwag po kayong makinig diyan sa mga walang matinong magawang mga kalaban ng gobyerno. Ligtas at epektibo po ang Sinovac,”ani Roque.

“Sa mga kalaban ng gobyerno, well manahimik na kayo! Puputok na naman yan sa mga mukha ninyo ‘pag nag-survey na naman, kulelat na naman kayo, bokya na naman kayo, failure na naman kayo,” dagdag ni Roque.

Samantala sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo sa Senate hearing na malapit nang aprubahan ang emergency use authorization (EUA) sa Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine at inaasahang ilalabas na sa susunod na mga araw.

“Nakuha na namin lahat ng inputs ng experts namin, we are actually finalizing the EUA for Pfizer. It will be out in one or two days,” pahayag ni Domingo sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.

Pinoproseso na rin ng GDA ang ang EAU para sa British drug AztraZeneca matapos mag-apply nitong buwang ito. Inaasahang sa lalabas ang EAU ng AstraZeneca sa kalagitnaan ng Enero. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

The post Manahimik kayo, ligtas ang China bakuna! Sinovac una sa PH, 25M dose ibabagsak na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *