Manager ng illegal Japanese manga site arestado

NASAKOTE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese-German-Israeli fugitive na w­anted sa mga awtoridad ng Japan dahil sa paglabag sa Copyright Law.

The post Manager ng illegal Japanese manga site arestado appeared first on Abante News Online.

manager ng illegal japanese manga site arestado - Manager ng illegal Japanese manga site arestado
manga - Manager ng illegal Japanese manga site arestado

NASAKOTE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese-German-Israeli fugitive na w­anted sa mga awtoridad ng Japan dahil sa paglabag sa Copyright Law.

Kinilala ni BI Intelligence Officer Bobby Raquepo, hepe ng Fugitive Search Unit ng BI ang 28-anyos na pugante na si Romi Hoshino alyas ‘Zakay Romi’, na naaresto noong Linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Raquepo, si Hoshino ay iniulat na manager ng ‘Manga-Mura’, isang illegal vie-wing website ng Japanese cartoon, na kilala bilang manga, na pinatakbo mula Enero 2016 hanggang Abril 2018.

Sinabi ng Association of Copyrights of Japan, ang halaga ng pinsala sa Manga-Mura ay tinatayang nasa 320 billion yen (2.9 billion USD), na sinasabing pinakamasamang paglabag sa kasaysayan ng Copyright Law sa Japan.

Si Hoshino ay inaresto sa bisa ng isang mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod ng kahilingan ng embahada ng Japan sa Maynila, na nagpasaklolo sa BI upang maaresto ang nasabing pugante, sa pakikipagtulungan ng Tokyo Interpol.

Ikukulong muna si Hoshino sa detensyon ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation proceeding. (Mina Aquino)

The post Manager ng illegal Japanese manga site arestado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *