Mamasapano case ni Aquino nilaglag ng Sandiganbayan

KINATIGAN ng Sandiganbayan ang mosyon ni Ombudsman Samuel Martires sa pagbawi ng kasong graft at usurpation laban kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay ng operasyon sa Mamasapano sa ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 2015.

mamasapano case ni aquino nilaglag ng sandiganbayan - Mamasapano case ni Aquino nilaglag ng Sandiganbayan
abante tnt vismin noynoy aquino - Mamasapano case ni Aquino nilaglag ng Sandiganbayan

KINATIGAN ng Sandiganbayan ang mosyon ni Ombudsman Samuel Martires sa pagbawi ng kasong graft at usurpation laban kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay ng operasyon sa Mamasapano sa ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 2015.

Ayon sa anti-graft court, mahina ang ebi­densiya laban sa dating pa­ngulo.
“Considering that the records of the present cases are bereft of any evi­dence that would merit further proceedings as against accused Aquino for the charges in violation of Section 3 of RA 3019 and usurpation of official functions under Article 177 of the Revised Penal Code, the Court finds that the dismissal of the said cases is indeed warranted,” ayon sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division.

Dahil sa desisyon, tinanggal na rin ang Hold Departure Order na inisyu laban sa dating Pangulo.

Nilinaw naman ng anti-graft court na maaari pa ring sampahan ng angkop na kaso si Aquino.

Ikinatuwiran ni Ombudsman Martires na hindi maaaring usurpation ang ikaso kay Aquino dahil siya ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno noong panahong iyon. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *