Malinis na Boracay may dagdag bayad sa mga turista

SANG-AYON sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa panukalang dagdagan ang environmental fee sa Boracay.

The post Malinis na Boracay may dagdag bayad sa mga turista appeared first on Abante News Online.

malinis na boracay may dagdag bayad sa mga turista - Malinis na Boracay may dagdag bayad sa mga turista
abante borcay 1 - Malinis na Boracay may dagdag bayad sa mga turista

SANG-AYON sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa panukalang dagdagan ang environmental fee sa Boracay.

Sa naganap na ika-11 na ­Boracay Inter-Agency Task Force meeting kasama sina DILG Sec. Año, DENR Sec. Cimatu, Department of Tourism (DOT) Usec. ­Erwin Enrile at mga kumakatawan sa iba’t ibang LGU, binahagi nila ang kanilang panig tungkol sa pagpapataas ng bayad sa environmental fee sa Boracay.

Matatandaang nito lamang Oktubre 26, 2018 ay binuksan muli ang Boracay sa mga turista matapos ang 6 na buwan nitong rehabilitasyon.

Ayon kay Año, natural ­lamang na taasan ang bayad para sa ­environmental fee dahil sa naganap na rehabilitasyon.

Aniya, “We raise the bar. We raise the standard. We raise the services; we have to get additional money to pay for these services.”

Ani naman ni Cimatu, pabor siyang dagdagan ang kasaluku­yang 75 pesos na environmental fee kung ito naman ay makakatulong sa pagkakaroon ng mas malinis na kapaligiran.

Dagdag pa niya, batid ng lokal na gobyerno ang kinakaharap na problema ng Boracay kung kaya’t nararapat lamang na ikonsidera nila ang pagpapataas ng environmental fee.

Ang desisyon ng pagkakaroon ng ordinansa tungkol sa pagdadag­dag sa environmental fee ay nakasalalay sa lokal na pamahalaan ng Boracay. (Sarah Rivere)

The post Malinis na Boracay may dagdag bayad sa mga turista appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *