Maliliit na unibersidad ayudahan

Itinutulak ni Senador Win Gatchalian na dagdagan pa ng pamahalaan ang suporta sa mga small and medium-sized private universities na maaaring bumagsak dahil sa nagaganap na Covid-19 pandemic.

maliliit na unibersidad ayudahan - Maliliit na unibersidad ayudahan
win 2 - Maliliit na unibersidad ayudahan

Itinutulak ni Senador Win Gatchalian na dagdagan pa ng pamahalaan ang suporta sa mga small and medium-sized private universities na maaaring bumagsak dahil sa nagaganap na Covid-19 pandemic.

Sa Senate panel hearing, itinaas ni Gatchalian ang pangangailangan ng maliliit na institusyon na nakararanas ng kakulangan sa technical expertise sa online at flexible learning systems kung saan maraming mag-aaral sa kolehiyo ang maaapektuhan.

Nais ni Gatchalian na magkaroon ng flexible approach sa pagtuturo kung saan maaaring matuto ang estudyante sa nais nilang lugar at paraan upang matuloy lamang ang pag-aaral sa panahon ng pandemic.

Base naman kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III, mayroon nang mahigit 525,000 estudyante ang nakapag-enroll sa mahigit 1,000 small private universities sa bansa.

Nilinaw nito na maraming mag-aaral ang nakapag-enroll sa private higher education institutions (HEIs) kumpara sa public tertiary institutions na kung saan base sa CHED data, mayroong 1,833,170 students o nasa 53.87% ang naka-enroll sa private HEI habang nasa 1,575,645 o 46.22% naman ang nasa public institutions.

Sinabi pa ng CHED chairperson na gagamitin ngayon ang free software para sa learning management systems subalit nagkakaroon naman ng kakulangan ang mga small private universities sa hardware at manpower para sa bagong system.

“I found out that an online system is very expensive. It’s not cheap,” ayon kay Gatchalian na kung saan inihalimbawa nito ang Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela na tumatangkilik sa application para sa online learning.

ilinaw ni Gatchalian na hindi napapansin ang mga small, medium private universities na halos 50% ng populasyon ng mga unibersidad ang maaapektuhan kung hindi tutulungan sa makabagong sistema.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Senate Bill No. 1564) o Bayanihan 2.0, naglaan ng P3-B para sa “smart” campuses sa State Universities and Colleges (SUCs) kasunod ng information and communications technology (ICT) infrastructure, pagpapalakas ng learning management systems, at iba pang pangangailangan para sa flexible learning na kung saan humihiling ang CHED ng karagdagang pondo para mabigyang pansin ang mga small private universities.

Para umano makatulong sa mga naapektuhang institusyon, magagawa ng Bayanihan 2.0 na bumuo ng loan program ng piling government financial institutions (GFIs)para makatulong na mabuo ang blended learning sa kolehiyo. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *