Maliliit na negosyo ayudahan — Bam

NANAWAGAN si Senador Bam Aquino sa mga ahensya ng pamahalaan partikular sa Department of Trade and Industry (DTI) na ayudahan ang mga micro-businesses na naapektuhan ng water shortage.

The post Maliliit na negosyo ayudahan — Bam appeared first on Abante News Online.

maliliit na negosyo ayudahan bam - Maliliit na negosyo ayudahan — Bam
ABANTE Bam - Maliliit na negosyo ayudahan — Bam

NANAWAGAN si Senador Bam Aquino sa mga ahensya ng pamahalaan partikular sa Department of Trade and Industry (DTI) na ayudahan ang mga micro-businesses na naapektuhan ng water shortage.

“Kadugtong ng krisis sa tubig ang kabuhayan ng mga kakababayan natin. Bawas kita ang dulot nitong krisis sa tubig sa mga kababayan natin lalo na mahihirap,” saad ni Aquino.

Ayon sa senador, sa Metro Manila lamang, nasa 150,000 registered micro-businesses ang nangangailangan ng tulong dahil sa kakapusan ng suplay ng tubig.

“Kailangan ng kagyat na solusyon para hindi mawalan ng kabuhayan ang maraming kababa­yan natin,” dagdag ng mambabatas.

Sinabi ni Aquino na dapat hikayatin ng DTI at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Negosyo Centers at microfinance institutions sa Metro Manila na magbigay ng loans sa mga micro-businesses upang makaagapay sila sa pagbabago ng panahon at water crisis.

Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na dapat papanagutin ang mga taong nasa likod ng water shortage habang dapat anyang magtulu­ngan din para mabigyan ito ng solusyon.

The post Maliliit na negosyo ayudahan — Bam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *