Malaysian national pinalaya ng 4 Chinese kidnapper

PINAGHAHANAP nga­yon ng Cavite Police ang apat na Chinese natio­nal na dumukot umano sa isang Malaysian na pinalaya rin matapos ang tatlong araw nang ma­laman na hindi pala nila ito kalahi.

malaysian national pinalaya ng 4 chinese kidnapper - Malaysian national pinalaya ng 4 Chinese kidnapper
kidnap - Malaysian national pinalaya ng 4 Chinese kidnapper

PINAGHAHANAP nga­yon ng Cavite Police ang apat na Chinese natio­nal na dumukot umano sa isang Malaysian na pinalaya rin matapos ang tatlong araw nang ma­laman na hindi pala nila ito kalahi.

Kinilala ang biktima na si Kein Chek Loh, 37.

Sa ulat ng pulisya alas-10:00 nang umaga noong Hulyo 28, 2019 nang dukutin ang biktima habang naglala­kad sa harapan ng Resorts World sa Pasay City ng apat na Chinese national.

Ayon sa pulisya, ti­yempo umanong napagtanungan ng biktima ang mga sakay ng isang puting kotse kung saan siya isinakay at dinala sa isang bahay.

Dito na umano siya sinaktan at puwersa­han umano na hini­hingan ng pera subalit nang walang maibi­gay ay pina­tubos siya sa kanyang pamilya at pinatawag siya sa cellphone, sa puntong ito ay nadiskubre ng mga suspek na hindi Chinese ang kanilang dinukot.

Martes nang hapon nang isinakay muli ang biktima sa kotse saka iniwan sa sa Abaya Road, Brgy. Bating Dalig bago tumakas.

Tinatayang P40,000 na pera at mahahala­gang gamit ang umano’y tinangay ng mga suspek sa biktima. (Gene ­Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *