Malaysia kumalas na sa ICC

KUMALAS na sa Rome Statute of the International Criminal Court o (ICC) ang Malaysia.

The post Malaysia kumalas na sa ICC appeared first on Abante News Online.

malaysia kumalas na sa icc - Malaysia kumalas na sa ICC
icc 1 - Malaysia kumalas na sa ICC

KUMALAS na sa Rome Statute of the International Criminal Court o (ICC) ang Malaysia.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Malaysian Ministry of Foreign Affairs ang pag-withdraw nito bilang miyembro ng ICC.

“Information on the confirmation has been uploaded onto the UN website Thursday morning. Following this, Malaysia has been removed as a signatory of the Rome Statute of the International Criminal Court,” ayon sa pahayag.

Naghain ng withdrawal letter ang Malaysia kay UN secretary-general Antonio Guterres noong Abril 29, 2019 para ipagbigay-alam sa international body ang pagkalas nito mula sa treaty.

Gayunman noong Mayo 15 ay nanatiling nasa listahan ng mga miyembro ng ICC ang Malaysia, kaya humingi ito ng paliwanag para sa proseso at status ng kanilang pagkalas para mapagtibay ang nasabing kasunduan.

Una nang inanunsyo ni Malaysian Prime Mi­nister Tun Dr Mahathir Mohamad noong Abril na hindi ito makikibahagi sa ICC.

The post Malaysia kumalas na sa ICC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *