Malasakit Center nalinis ang burukrasya, red tape

NATULDUKAN sa pagtatayo ng Malasakit Center ang burukrasya at red tape sa paghingi ng tulong sa gobyerno ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang pagpapagamot.

malasakit center nalinis ang burukrasya red tape - Malasakit Center nalinis ang burukrasya, red tape
ABANTE Malasakit Center - Malasakit Center nalinis ang burukrasya, red tape

NATULDUKAN sa pagtatayo ng Malasakit Center ang burukrasya at red tape sa paghingi ng tulong sa gobyerno ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang pagpapagamot.

Ayon kay Senator Christopher Lawrance ‘Bong’ Go, dati-rati ay napakaraming ‘form’ at requirement ang kailangang sagutin at dalhin para makahingi ng kapi­ranggot na medical assistance sa gobyerno.

Sinabi ni Sen. Go, nakita niya at ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ugat ng problema kaya itinatag nila noong 2017 ang Malasakit Center na isang ‘one stop shop’ upang padaliin at pabilisin ang pagbibigay ng tulong sa mga kapuspalad na nangangailangan.

Anang Senador, hindi na dapat pahirapan pa ang isang Pilipino sa paghingi na ayudang medikal dahil pera naman ng taumbayan ang ibinabalik sa kanila ng pamahalaan.

Nitong Martes ay napilitang magsagawa ng kauna-unahang privilege speech sa Senado si Senator Go upang direktang ipaalam kay Albay Congressman Edcel Lagman na hindi sila namumulitika ng Pangulong Digong sa pagtatayo ng mga Malasakit Center.

“May ibang pulitiko dyan, tulad ni Lagman, humihingi muna ng endorsement galing sa kanilang barangay leaders bago tumulong. Balita ko pinapapunta mo pa sa bahay mo ang mga tao para mag-avail lang ng benefits o assistance”, ani Go.

Pahayag pa ni Go, ang Malasakit Center ay walang hinihinging mga requirement o pasasagutang mga form, at walang pinipili kung ikaw ay pro o anti-duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *