Malaking plaka ng motorsiklo suportado

motorsiklo

Pabor ang isang grupo ng mga motorcycle rider sa panukalang malaking sukat ng plaka na ilalagay sa likod ng motorsiklo.

The post Malaking plaka ng motorsiklo suportado appeared first on Abante News Online.

malaking plaka ng motorsiklo suportado - Malaking plaka ng motorsiklo suportado
motorskilo - Malaking plaka ng motorsiklo suportado

Pabor ang isang grupo ng mga motorcycle rider sa panukalang malaking sukat ng plaka na ilalagay sa likod ng motorsiklo.

Sinabi ni Atoy Sta. Cruz, Director ng Motorcycle Federation of the Philippine (MFP) ay nananatili sa kanilang desisyon na reject ang dating ordinaryong sukat ng plaka na dapat idikit sa harapan ng motorsiklo.

Sinabi ni Sta. Cruz ang pahayag kahapon sa ginanap na public consultation ng mga inter-government agencies na kinabibilangan ng Land Transportation Office, PNP-Highway Patrol Group, at Bureau of Custom.

“Ok na kami sa proposed na laki ng plaka sa likod yung sa harap ang ibang usapan, tignan natin kung paano ma link yung batas sa gagawin Internal Rules and Regulations,” ani Sta. Cruz.

Sinabi ni Transportation assistant secretary at LTO Chief Edgar Galvante na lahat ng suhestiyon ay welcome.

“Welcome ang agency sa mga suggestion ng lahat ng sektor para maayos natin ang isyung ito ng mga motorcycle riders,” ani Galvante.

Base sa record tinatayang 18 milyong rehistradong motorsiklo meron sa bansa.

Ang panukala batas para sa Malaki at doble plaka para sa motorsiklo ay napirmahan na bilang batas.

The post Malaking plaka ng motorsiklo suportado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *