Malaking COVID-19 quarantine facility sa Marikina binuksan

Binuksan na ang malaking quarantine facility sa Marikina City bilang tugon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangangailangan ng mga residente at mapabilis ang paggaling laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

The post Malaking COVID-19 quarantine facility sa Marikina binuksan first appeared on Abante.

malaking covid 19 quarantine facility sa marikina binuksan - Malaking COVID-19 quarantine facility sa Marikina binuksan
dpwh 4 - Malaking COVID-19 quarantine facility sa Marikina binuksan

Binuksan na ang malaking quarantine facility sa Marikina City bilang tugon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangangailangan ng mga residente at mapabilis ang paggaling laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Personal na itinurn-over ni DPWH Secretary Mark Villar kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang bagong quarantine at treatment facility sa Balubad, Brgy. Nangka na nilaanan ng 136 kwarto para sa mga pasyente.

Kumpleto sa pasilidad ang mga kuwarto na mayroong air-conditioning system, kama, at comfort room. Mayroon ding kuwarto para sa healthcare worker, medical equipment, at medical doctor and nurse station, gayundin ang X-ray room, laboratoryo at electrical room. (Vick Aquino)

The post Malaking COVID-19 quarantine facility sa Marikina binuksan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *