Malakanyang, CHED tinabla academic break

Ibinasura ng Malacañang ang panawagang magdeklara ng nationwide academic break dahil sa epektong nararanasan ng mga estudyante mula sa COVID pandemic at sunod-sunod na bagyo.

The post Malakanyang, CHED tinabla academic break first appeared on Abante.

malakanyang ched tinabla academic break - Malakanyang, CHED tinabla academic break
ched 3 - Malakanyang, CHED tinabla academic break

Ibinasura ng Malacañang ang panawagang magdeklara ng nationwide academic break dahil sa epektong nararanasan ng mga estudyante mula sa COVID pandemic at sunod-sunod na bagyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa blended learning ang mga estudyante sa elementarya at high school kaya hindi masyadong naapektuhan ng pandemya at mga bagyong dumaan sa bansa.

Wala aniyang nakikitang dahilan ang Palasyo para magpatupad ng academic break dahil wala namang face to face learning habang mayroong COVID pandemic.

“Sa ating mga public schools na nasa ilalim ng ilalim ng DepEd,tayo ay nasa blended learning. Ang primary mode of instruction natin ay modular so hindi masyadong naapektuhan dahil walang face to face classes sa lahat ng ating eskuwelahan,” ani Roque.

Para naman sa mga estudyanteng nasa kolehiyo may desisyon aniya ang Commission on Higher Education (CHED) mag-extend ng klase kung kinakailangan .

“Pagdating sa ating universities, nagkaroon na ng en banc meeting ang CHED at ang desisyon ay hindi papayagan itong academic break na hinihingi ng ilan.

Nauna rito ay iginiit ni CHED chairman Prospero de Vera na nasa mga unibersidad ang mainam na desisyon kung magdedeklara ng class suspension.(Aileen Taliping/Vick Aquino)

The post Malakanyang, CHED tinabla academic break first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *