Malacanang sa DOJ: 2K pinalayang kriminal arestuhin!

Hinimok ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibilidad nang muling pag-aresto sa mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct and Time Allowance Law (GCTA), lalo na ang mga nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen.

malacanang sa doj 2k pinalayang kriminal arestuhin - Malacanang sa DOJ: 2K pinalayang kriminal arestuhin!
palasyo 2 - Malacanang sa DOJ: 2K pinalayang kriminal arestuhin!

Hinimok ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibilidad nang muling pag-aresto sa mga presong napalaya sa ilalim ng Good Conduct and Time Allowance Law (GCTA), lalo na ang mga nahatulan dahil sa karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring gawing legal na basehan ang kasong binanggit ni Senador Franklin Drilon sa senate hearing noong Lunes na People vs.Tan, kung saan iniutos ng Korte Suprema ang muling pag-aresto sa presong napalaya base sa GCTA na hindi naman pala dapat mapalabas sa kulungan.

“The Office of the President urges the DOJ to study the possibility of re-arresting those released for GCTA but were disqualified by law, such as those convicted of heinous crimes,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ano mang uri ng kawalang hustisya na posibleng nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi pa ni Panelo na titiyakin ng Palasyo na hindi na mauulit ang mga aksiyong ginawa ng nakalipas na administrasyon sa pamamagitan ng GCTA dahil tutuldukan ang mga ganitong hakbang sa Bureau of Corrections (BuCor).

“The President will not tolerate any form of injustice being committed under his watch and it is for this reason that he will ensure the practice initiated by the past administration on the granting of GCTA will no longer continue,” dagdag pa ni Panelo.

Nauna rito ay iginiit ni Drilon na ang muling pag-aresto ng DOJ sa 1,914 heinous crime conducts kabilang ang tatlong preso sa rape-slay ng Chiong sisters noong 1995.

“The DOJ has valid and legal reasons to seek re-arrest of the 1,914 prisoners serving a life sentence but were wrongly released by the Bureau of Corrections (BuCor),” pahayag ni Drilon kahapon.

“The law should be interpreted to give justice to the victims. An interpretation that unqualifiedly and unjustly favors the oppressor, rather than the victims, may cause people’s trust in our justice system to erode,” saad nito. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *