Malacanang pinasaklolohan mga na-trap sa Marikina, Rizal

Agad pinakilos ng Malacañang ang Philippine Coast Guard para saklolohan ang mga residenteng nasa bubungan ng kanilang kabahayan matapos malubog sa tubig baha sa Marikina City, San Mateo at Rodriguez, Rizal.

The post Malacanang pinasaklolohan mga na-trap sa Marikina, Rizal first appeared on Abante.

malacanang pinasaklolohan mga na trap sa marikina rizal - Malacanang pinasaklolohan mga na-trap sa Marikina, Rizal
Marikina 1 - Malacanang pinasaklolohan mga na-trap sa Marikina, Rizal

Agad pinakilos ng Malacañang ang Philippine Coast Guard para saklolohan ang mga residenteng nasa bubungan ng kanilang kabahayan matapos malubog sa tubig baha sa Marikina City, San Mateo at Rodriguez, Rizal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan ang amphibious vessel para masundo ang mga residenteng nasa bubungan ng mga kabahayan.

“Magri-request po tayo sa Hukbong Sandatahan at sa Coast Guard na magpadala ng amphibious vessels,” ani Roque.
Kabilang sa mga residenteng nagpasaklolo ay mula sa Provident Village sa Marikina City, Doña Pepeng subdivision sa San Mateo Rizal, Kasiglagan village sa Rodriguez, Rizal at iba pang mababang lugar.

Sinabi ni Roque na hati ngayon ang atensiyon niya dahil nagmomonitor ito sa sitwasyon ng bagyong Ulysses at nagmo-monitor din sa opening ceremony ng ASEAN summit.

“Hati ang aking atensiyon–kinakailangan ma-monitor ang nangyayari sa ASEAN at the same time ma-monitor ang nangyayari sa bagyo,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Malacanang pinasaklolohan mga na-trap sa Marikina, Rizal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *