Malacanang inspirado! 84% aprub pandemic response

Inspirado ang Malacañang para lalo pang pagbutihin ang pagtatrabaho dahil sa mataas na resulta ng Pulse Asia survey kaugnay sa pangangasiwa at pagtugon ng Duterte administration sa problema at krisis na dulot ng COVID pandemic.

The post Malacanang inspirado! 84% aprub pandemic response first appeared on Abante.

malacanang inspirado 84 aprub pandemic response - Malacanang inspirado! 84% aprub pandemic response
swab 2 - Malacanang inspirado! 84% aprub pandemic response

Inspirado ang Malacañang para lalo pang pagbutihin ang pagtatrabaho dahil sa mataas na resulta ng Pulse Asia survey kaugnay sa pangangasiwa at pagtugon ng Duterte administration sa problema at krisis na dulot ng COVID pandemic.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang survey na ginawa mula September 14-20 kung saan nakapagtala ng 84% ang Duterte administration kaugnay sa pangangasiwa para makontrol ang COVID-19, habang 84% din rating sa ginawang pagtugon ng gobyerno para matulungan ang mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay at nawalan ng trabaho.

Sa pinakahuling Ulat ng Bayan survey survey Pulse Asia noong Setyembre, lumitaw na aprubado ng 84 % ng mga Filipino ang sistema ng gobyerno para makontrol ang paglaganap ng COVID+-19, gayundin ang pag-ayuda sa mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, 6% ang hindi pabor sa pag-atake ng gobyerno sa problema sa COVID-19 at 7% naman ang mga Pinoy na negatibo ang tugon sa pagtulong ng gobyerno sa mga nawalan ng hanapbuhay.

May 10 % naman sa mga respondent ang hindi makapagpasya sa pagkilos ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng virus pati na rin sa naging tulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ngayong panahon ng pandemya. (Aileen Taliping/Mia Billones)

The post Malacanang inspirado! 84% aprub pandemic response first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *