Malacanang exec na-murder ang ilong sa swab test

Dismayado ang isang opisyal ng Malacañang sa isang malaking hospital sa Quezon City dahil sa hindi magandang karanasan matapos sumailalim sa COVID-test.

The post Malacanang exec na-murder ang ilong sa swab test first appeared on Abante.

malacanang exec na murder ang ilong sa swab test - Malacanang exec na-murder ang ilong sa swab test
Abante Kartada 5 - Malacanang exec na-murder ang ilong sa swab test

Dismayado ang isang opisyal ng Malacañang sa isang malaking hospital sa Quezon City dahil sa hindi magandang karanasan matapos sumailalim sa COVID-test.

Ayon sa opisyal, hindi magaling ang nag-swab test sa kanya dahil habang kinakalikot ang kanyang ilong ay napapaigtad ito dahil masakit umano ang pagsundot para makakuha ng specimen.

Sa ilang beses na kasing swab test ni sir ay ngayon lamang ito nasaktan nang sundutin ang kanyang hindi katangusang ilong.

Kaya naman pagkatapos ma-swab test ay inireklamo ni presidential appointee sa opisyal ng ospital ang staff na kumuha ng sample sa kanyang ilong.

Hindi naman binanggit ng opisyal kung ano ang nangyari sa inireklamong hospital staff dahil ang concern nito ay ang nakalikot na ilong.

Kailangan kasi regular ang swab test ni sir dahil isa ito sa polisiya ng Malacañang lalo na kapag makikipagkita sa Presidente.

Pero hindi na nakapagtataka ang pag-iingay ni sir dahil kilalang reklamador ito kahit sa pinakamaliit na bagay.

Ang presidential appointee na ito ay paboritong bateryahin ng Presidente kanyang mga talumpati noong wala pang pandemic.

Clue: Magaling itong gumawa ng gimik para asarin ang mga kritiko ng gobyerno at mayroong kakaibang fashion statement. O gets nyo na?

The post Malacanang exec na-murder ang ilong sa swab test first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *