Malacañang exec may ‘boy toy’ na staff

Nasa cloud nine ngayon ang isang opisyal ng Malacañang dahil sa kanyang boylet staff na nagpapaligaya sa kanya kahit mayroong pandemic.

The post Malacañang exec may ‘boy toy’ na staff first appeared on Abante.

malacanang exec may boy toy na staff - Malacañang exec may ‘boy toy’ na staff
Abante Kartada 5 - Malacañang exec may ‘boy toy’ na staff

Nasa cloud nine ngayon ang isang opisyal ng Malacañang dahil sa kanyang boylet staff na nagpapaligaya sa kanya kahit mayroong pandemic.

Alam nyo ba mga utaw na pinupulutan ngayon ng mga matatabil na kawani sa Palasyo itong opisyal dahil parang anak nya na lang ang kanyang boytoy.

Batang-bata,sariwa at may hitsura kasi itong si Boylet kaya tila nasa alapaap ngayon ang opisyal lalo na kapag nag-a out-of town sila kaugnay sa kanilang trabaho.

At para hindi mahalata at malantad sa mga maiinit na mata ang relasyon ni madam sa staff na boylet ay sa extension office sila pumapasok para iwas-tsismis.

Pero kahit ilihim, may mga nakakakita at nakakapansin pa rin kay madam na magiliw sa kanyang batang boylet.

Kasama lagi ni official ang kanyang staff na boylet sa out-of town events ng kanilang opisina kaya naman maganda lagi ang aura nito.

Itong si boylet ay kilalang ambisyoso at gustong magkapuwesto sa gobyerno kaya hindi nakapagtatakang pumatol kahit pa burong kapampangan na si madam.

Kuwento ng isang staff, madaming palpak si boylet sa trabaho pero hindi maalis-alis dahil luv luv siya ni madam!

At kahit may pandemya, tuloy ang ligaya ng dalawa dahil palagi silang magkasama.

Clue: Ang opisyal ay mahilig nagpapa-charming kay Presidente pero ngayon ay hindi na dahil may boylet na siya!

The post Malacañang exec may ‘boy toy’ na staff first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *