Makati Med hiningan deposit COVID patient

Limang oras naghintay sa emergency room ng Makati Medical Center ang isang pasyenteng may COVID19 na ni-refer galing sa isang ospital sa Cavite noong kalagitnaan ng October dahil hiningan pa ng P60,000 deposit bago i-admit.

The post Makati Med hiningan deposit COVID patient first appeared on Abante.

makati med hiningan deposit covid patient - Makati Med hiningan deposit COVID patient
abante makati med - Makati Med hiningan deposit COVID patient

Limang oras naghintay sa emergency room ng Makati Medical Center ang isang pasyenteng may COVID19 na ni-refer galing sa isang ospital sa Cavite noong kalagitnaan ng October dahil hiningan pa ng P60,000 deposit bago i-admit.

Ayon sa pasyente, sinigurong may kuwarto siya sa Makati Med bago ilipat ng ambulansiya ngunit hindi siya in-admit kaagad dahil sa P60,000 deposit kahit pa ibinigay niya ang kanyang HMO card na binayaran niya ng P28,000 isang taon.

Kung hindi deposit, letter of guarantee sa HMO ang hiningi sa kanya ng Makati Med.

Sabi ng pasyente, na-high blood siya sa ER dahil sa aberya kaya sumipa sa 145/100 ang kanyang blood pressure at gusto siyang painumin ng Makati Med ng gamot sa highblood.

“Kung hindi ba naman sa kanila, hindi naman ako maha-highblood. May HMO naman ako, may kwarto na, kung ano pa ang hinihingi. Tapos paiinumin ka ng gamot dahil sa high blood na sisingilin sa iyo e sila may kasalanan non,” sabi ng pasyente sa Abante.

Aniya, may limang araw ang treatment ng Makati Med para sa COVID19 at nasa P10,400 per day. Ang five-day treatment para sa COVID 19 na ibinibigay ay may kasamang Remdesevir na sinuswero.

Nabatid kay Makati Med relationship manager for HMO Dennis D. Roxas na hindi humihingi ng deposit ang ospital sa mga pasyenteng pumupunta sa ER nito subalit hinihingan ng deposit ang mga pasyenteng inililipat dito galing sa ibang ospital bago i-admit.

Nawi-waive rin aniya ang deposit kung may Letter of Authorization ang pasyente mula sa HMO.

“As a standard process, all patients who come in to our Emergency Room are immediately treated and stabilized without paying for any deposit,” sabi ni Roxas. Kung kailangang i-admit ang pasyente, hindi rin pinagde-deposit ang mga may mga HMO cards kung accredited sa ospital ngunit hindi ganito ang proseso paggaling sa ibang ospital ang pasyente.

Matatandaang pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Hospital deposit Law noong 2017 na nagbabawal sa mga ospital na mangingil ng deposito kapalit ng pagtanggap sa pasyente.(Eileen Mencias)

The post Makati Med hiningan deposit COVID patient first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *