Makapatid na hitman tinodas

gunman

Dalawang bangkay ng magkapatid na umano ay parehong hitman sa lalawigan ng Quezon ang nadiskubre sa San Juan, Batangas nitong Sabado nang madaling-araw.

makapatid na hitman tinodas - Makapatid na hitman tinodas
gunman - Makapatid na hitman tinodas

Dalawang bangkay ng magkapatid na umano ay parehong hitman sa lalawigan ng Quezon ang nadiskubre sa San Juan, Batangas nitong Sabado nang madaling-araw.

Laking gulat ng nakakitang residente nang bumulaga dito ang mga bangkay na parehong nakagapos ang mga kamay at nakabulagta sa gilid ng kalsada sa Barangay Janao-Janao.

Kinilala ng San Juan police ang mga ito na sina Elmer at Noli Alano, mga residente ng Sariaya, Quezon at umano ay parehong gun-for-hire at sangkot sa ilang serye ng pamamaslang at sa iba’t ibang ba­yan sa Batangas at Quezon.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita na batbat ng mga tama ng bala ang sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang bangkay.
Nakabalot din pareho ng packaging tape ang ulo ng mga ito.

Ayon kay Police L. Col. Rosell Encarnacion, hepe ng San Juan police, posibleng sa ibang lugar pinatay ang dalawa at itinapon lamang doon ang mga bangkay dahil walang ibang nakitang ebidensya maliban sa mga katawan.

Napag-alaman din na ang dalawa ay dating naninirahan sa nasabing barangay subalit matagal nang lumipat ng tirahan sa Sariaya.

Palaisipan din sa mga awtoridad kung anong gustong iparating na mensahe ng mga salarin at bakit sa pinagmulang lugar ng dalawa itinapon ang mga bangkay (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *