Maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang

KRITIKAL ang lagay ng isang machine operator matapos pagsasaksakin ng matapang na ginang makaraang mabuwisit sa nakakarinding ingay sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

The post Maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang appeared first on Abante News Online.

maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang - Maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang
saksak 1 - Maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang

KRITIKAL ang lagay ng isang machine operator matapos pagsasaksakin ng matapang na ginang makaraang mabuwisit sa nakakarinding ingay sa Malabon City, kamakalawa nang gabi.

Unang dinala sa Manila Central University (MCU) Hospital bago inilipat sa Quezon City Memorial Hospital si Pedro Anagao, 34, may asawa, ng No. 1 Victoneta Avenue, Barangay Potrero ng nasabing lungsod.

Sa mabilis na responde ng mga parak, kaagad namang nadakip ang suspek na si Aurora De Galicia, 56, may asawa, kapitbahay ng biktima.

Sa sinumpaang salaysay ng witness na si Lanie Domingo, 39, tumutoma daw sina Anagao kasama ang kapatid na si Rolly sa labas ng bahay ng biktima, dakong alas-nuwebe nang gabi.

Makalipas ang dalawang oras at dala na rin ng dami ng nainom, na­ging maingay ang magkapatid hanggang sa mapagtripan ng biktima na si­rain ang dingding ng bahay ni Aurora.

Dahil doon, galit na kumuha ng patalim ang ginang saka sinugod si Perdro saka sinaksak ng dalawang saksak sa katawan.

Humingi ng tulong si Rolly sa mga pulis na mabilis namang nagresponde at dinakip ang babae kung saan nakuha sa kanya ang patalim na may pitong pulgada ang haba.

Kinasuhan ng frustrated homicide ang ginang. (Orlan Linde)

The post Maingay na kapitbahay sinakyod ng matapang na ginang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *