Mahinang klase ng bakuna ‘di bebenta sa mga Pinoy – Robredo

Posibleng kaunti lang ang magpabakuna kontra COVID-19 kung pipiliin ng gobyerno ang isang vaccine na mababa ang efficacy rate, ayon kay Vice President Leni Robredo.

The post Mahinang klase ng bakuna ‘di bebenta sa mga Pinoy – Robredo first appeared on Abante.

mahinang klase ng bakuna di bebenta sa mga pinoy robredo - Mahinang klase ng bakuna ‘di bebenta sa mga Pinoy – Robredo
Leni Robredo - Mahinang klase ng bakuna ‘di bebenta sa mga Pinoy – Robredo

Posibleng kaunti lang ang magpabakuna kontra COVID-19 kung pipiliin ng gobyerno ang isang vaccine na mababa ang efficacy rate, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Sa lingguhang programa ay hinikayat ni Robredo ang ang pamahalaang Duterte na i-justify ang pagbili ng COVID-19 vaccines para mahikayat ang publiko.

“Ang pinaka-kampanya nga natin iyong confidence, ‘di ba, iyong tiwala sa bakuna. Kapag alam ng tao na ang baba ng efficiency o effectivity ng vaccine na ito, ‘di ba, mababa din iyong tiwala,” sinabi nito.

“Pero kapag alam niya na itong klaseng vaccine na ito, ganito iyong level ng effectivity, ito iyong mga nakuha noong mga kung sino, saang mga bansa, mas tataas iyong tiwala niya sa bakuna, mas maraming magpapabakuna,” dagdag niya.

Sinabi ito ni Robredo sa likod na rin ng kanyang pagkabahala sa Sinovac vaccine ng China na may range na 50 hanggang 90 percent efficacy, ayon sa Brazil at Turkey. (Kiko Cueto)

The post Mahinang klase ng bakuna ‘di bebenta sa mga Pinoy – Robredo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *