‘Mahal na Senyor’ photo wagi sa Germany

NAIUWI ng Filipino photographer na si Marlon Villaverde ang panalo para sa photojournalist category ng 2019 EyeEm Awards na ginanap sa Berlin, Germany kamakailan.

mahal na senyor photo wagi sa germany - ‘Mahal na Senyor’ photo wagi sa Germany
ABANTE Marlon Villaverde - ‘Mahal na Senyor’ photo wagi sa Germany

NAIUWI ng Filipino photographer na si Marlon Villaverde ang panalo para sa photojournalist category ng 2019 EyeEm Awards na ginanap sa Berlin, Germany kamakailan.

Nagwagi ang Pinoy photographer na tubong-Lucban, Quezon ang panalo para sa entry nitong ‘Mahal na Senyor’ o ‘Image of the dead Christ’.

Kinokonsidera ang nasabaing award giving body bilang pinakamalaking kompetisyon sa photography sa buong mundo at sinalihan ng tinatayang milyong mga photographer mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakuha umano ni Villaverde ang larawan sa Lucban habang nagsasagawa ng prosesyon para sa Mahal na Senyor bilang bahagi ng pagdiriwang ng mga Katoliko sa Kuwaresma.

Inalay ni Villaverde ang pagkapanalo para sa kanyang hometown at sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *