Mahal maging nurse para sahuran ng P10K- Bello

Dapat ding tutukan ng gobyerno ang mga nurse at medical worker sa pribadong sektor para mataasan din ang kanilang sahod.

The post Mahal maging nurse para sahuran ng P10K- Bello first appeared on Abante.

mahal maging nurse para sahuran ng p10k bello - Mahal maging nurse para sahuran ng P10K- Bello
Bello 1 - Mahal maging nurse para sahuran ng P10K- Bello

Dapat ding tutukan ng gobyerno ang mga nurse at medical worker sa pribadong sektor para mataasan din ang kanilang sahod.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dama ang hirap ng mga nurse sa kakarampot nilang sahod, kaya’t nais magkaroon ng salary adjustment para sa mga private nurse katulad ng mga healthcare worker na nagtatrabaho para sa mga pampublikong ospital.

“Ang mahal maging nurse. Ang hirap maging nurse tapos susuweldo ka lang ng P10,000 . . . If I will be asked, I will strongly recommend na ipataas,” ani Bello.

Sa ngayon ay tinaas sa salary grade 15 ang sweldo sa mga government nurse, na nagkakahalaga ng P32,000 para sa minimum, iba umano ito sa mga nasa pribadong ospital na P5,000 hanggang P10,000 lang ang nakukuha kada buwan, ayon sa Filipino Nurses United.

Minungkahi din ni Bello ang pagkakaroon ng P500 hazard pay para sa mga private hospital nurse, at pinatitigil din ang contractual agreement para sa mga ito.(RP)

The post Mahal maging nurse para sahuran ng P10K- Bello first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *