Magparehistro na sa Manila Bay Clean-Up Run

SINIMULAN na ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang pagpapare­histro para sa ikaapat na Manila Bay Clean-Up Run sa ika-17 ng Hulyo 2019.

The post Magparehistro na sa Manila Bay Clean-Up Run appeared first on Abante News Online.

magparehistro na sa manila bay clean up run - Magparehistro na sa Manila Bay Clean-Up Run
fun run - Magparehistro na sa Manila Bay Clean-Up Run

SINIMULAN na ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang pagpapare­histro para sa ikaapat na Manila Bay Clean-Up Run sa ika-17 ng Hulyo 2019.

Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae. Magkakamit ng medalya at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya.

Bukas ang registration center sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City araw-araw mula alas-nuwebe nang umaga hanggang alas-sais nang gabi. Maaari ring magpatala sa Olympic Village Robinsons Forum, Festival Mall, at Farmers Plaza, mula alas-12:00 nang tanghali hanggang alas-sais nang gabi.

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kundi maging mga ilog, estero, at iba pang maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito.

Ang fun run ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean-Up Run, maaaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 0926.205.2787.

The post Magparehistro na sa Manila Bay Clean-Up Run appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *