Magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon kulong – DILG

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng police unit na kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na paputok at mang-aresto ng mga lalabag dito.

The post Magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon kulong – DILG first appeared on Abante.

magpapaputok sa pasko bagong taon kulong dilg - Magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon kulong – DILG
abnate dilg - Magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon kulong – DILG

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng police unit na kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na paputok at mang-aresto ng mga lalabag dito.

“The PNP is authorized to immediately confiscate illegal firecrackers and make arrests when necessary so the industry is advised to just follow the law,” paliwanag ni DILG undersecretary at spokesman Jonathan Malaya sa isang pahayag.

Ayon sa DILG, kabilang sa mga bawal na paputok ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large Judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, Goodbye Earth, Goodbye Bading, Hello Columbia at Goodbye Philippines.

Sa parehong pahayag, sinabi ni Bureau of Fire Protection Senior Inspector Bayani Zambrano na anumang uri ng public fireworks display ay bawal din at ang mga community fireworks display lamang ng mga local government unit ang pinapayagan.

“Meron po tayong ‘Oplan Paalala: Iwas Paputok 2020’ campaign kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng paputok upang maiwasan ang pagkasunog ng kabahayan at ng ibang pang establisimyento,” saad ni Zambrano.

The post Magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon kulong – DILG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *