Magnitude 6.1 yumanig sa Metro Manila, bahagi ng Luzon

NIYANIG ng magnitude 6.1 lindol ang Metro Manila at ilang pang karatig lugar sa Luzon kahapon nang hapon.

The post Magnitude 6.1 yumanig sa Metro Manila, bahagi ng Luzon appeared first on Abante News Online.

magnitude 6 1 yumanig sa metro manila bahagi ng luzon - Magnitude 6.1 yumanig sa Metro Manila, bahagi ng Luzon
clark 1 - Magnitude 6.1 yumanig sa Metro Manila, bahagi ng Luzon

NIYANIG ng magnitude 6.1 lindol ang Metro Manila at ilang pang karatig lugar sa Luzon kahapon nang hapon.

Eksaktong alas-5:11 ng hapon nang maramdaman ang malawak na pagyanig na ang episentro ay naitala sa Castillejos, Zambales.

Ayon kay USec Renato Solidum ng Disaster Risk Reduction and Climate Change at Officer in Charge (OIC) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na tumagal ng halos 10 segundo.

Malalim umano ang nangyaring pag-uga na umabot sa 21 kilometro kaya’t inaasahan na mas malawak ang sakop ng lindol.

Inamin ni Solidum na may kalakasan ang lindol bagama’t hindi ito maituturing na major earthquake. Asahan din umano ang mga aftershock.

Ang movement na naramdaman ng mga residente sa Zambales ay vertical, up and down habang ang Metro Manila na malayo sa epicenter ay sideways ang paggalaw na naram¬daman.

Naitala sa Intensity V sa San Felipe, Zambales; Malabon; Quezon City, Pampanga, Marikina at Makati ; Intensity IV sa Zambales; Intensity III sa Cavite, Batangas. Naramdamam din ang paggalaw ng lupa sa San Juan at Pampanga, Rizal.

Samantala, ayon sa report nagkaroon ng bitak o crack sa kahabaan ng (Subic Clark Tarlac Expressway) SCTex sa bahagi ng Porac Exit. May mga batong bumagsak umano sa mga daraanan na nakaapekto sa mga motorsista. (Tina Mendoza)

The post Magnitude 6.1 yumanig sa Metro Manila, bahagi ng Luzon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *