Magnitude 5.9 pinauga ang Bukidnon

Surigao nilindol

NIYANIG ng lindol ang Davao Oriental at Bukidnon kahapon at kama­lawa nang gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

magnitude 5 9 pinauga ang bukidnon - Magnitude 5.9 pinauga ang Bukidnon
earthquake - Magnitude 5.9 pinauga ang Bukidnon

NIYANIG ng lindol ang Davao Oriental at Bukidnon kahapon at kama­lawa nang gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong alas-tres nang hapon kahapon nang tumama ang magnitude 4.2 sa Lupon, Davao Oriental.

Nauna rito, naram­daman ang magnitude 5.9 sa Kadingilan, Bukidnon, alas-9:22 Lunes nang gabi. May lalim itong 9 na kilometro at tecto­nic ang origin.

Apat ang napaulat na nasugatan habang 20 namang kabahayan ang napinsala ng kalamidad.

Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershock ang pagyanig sa Bukidnon.

Dahil din dito, kinansela na ang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas para mainspeksiyon ang pinsala sa mga paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *