Magnitude 5.4 yumanig sa Ilocos Norte

NIYANIG ng 5.4 magnitude lindol kahapon ang Pagudpud, Ilocos Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

The post Magnitude 5.4 yumanig sa Ilocos Norte appeared first on Abante News Online.

magnitude 5 4 yumanig sa ilocos norte - Magnitude 5.4 yumanig sa Ilocos Norte
lindol 14 - Magnitude 5.4 yumanig sa Ilocos Norte

NIYANIG ng 5.4 magnitude lindol kahapon ang Pagudpud, Ilocos Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Unang naiulat na 5.8 magnitude ang tumamang lindol subalit ibi-naba ito ng Phivolcs sa 5.4 magnitude.

Sa report ng Phivolcs tectonic ang pinagmulan ng lindol na naramdaman alas-10:48 nang umaga, may lalim ito na 8km.

May kalakasan umano ang pagyanig na bagamat walang inaa-sahang damage ay asahan umano ang mga aftershocks.

Ayon sa Phivolcs, naramdamdan ang Intensity 5 sa Pasuquin, Bacarra, Laoag City at Tuguegarao City.

Intensity 4 ang naitala sa Paoay, Ilocos Norte, Intensity 3 sa Sinait at Santa, Ilocos Sur; Sudipen, La Union; habang Intensity 2 naman sa Baguio City.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na hindi magkakakonekta ang nararanasang lindol nitong mga nakalipas na araw. (Tina Mendoza/­Allan ­Bergonia)

The post Magnitude 5.4 yumanig sa Ilocos Norte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *