Magkasunod na brownout sa Panay Island iimbestigahan

NAKATAKDANG imbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang magkasunod na brownout na naranasan sa loob ng dala­wang araw sa Panay Island, Negros Occidental.

magkasunod na brownout sa panay island iimbestigahan - Magkasunod na brownout sa Panay Island iimbestigahan
images - Magkasunod na brownout sa Panay Island iimbestigahan

NAKATAKDANG imbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang magkasunod na brownout na naranasan sa loob ng dala­wang araw sa Panay Island, Negros Occidental.

Ayon kay Engr. Jose Rey Maleza, director ng DOE-Visayas, ang incident report ay isinumite sa central office para imbestigahan.

“The incident report will be submitted by concerned parties to the central office. Our central office will issue an official statement in due time,” dagdag ni Maleza.

Unang nawalan ng kuryente sa Iloilo, Guimars, Aklan, Capiz at ba­hagi ng Negros Occidental noong Oktubre 29 ng alas-5:27 nang hapon.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines na siyang nagpapatakbo ng mga transmission line na nagde-deliver ng kur­yente mula power plant patungo sa mga distribution utiliy, agad nilang pinagana ang ‘protection scheme’ ng kanilang mga transmission line makaraang maka-monitor ng ‘disburbance’ sa grid na dahilan upang mawalan ng kuryente sa Panay at Neg­ros.

Naging normal umano ang supply ng kur­yente bandang alas-8:57 nang gabi hanggang sa tulu­yang buma­lik ang suplay ng kuryente sa mga apetakdong lugar.

Ayon sa Global Business Power Corp., bumagsak din ang power supply sa kanilang mga coal-fired po­wer plant sa Panay Energy Development Corp. Na­balik lang ito noong Martes ng alas-10:00 nang gabi.

Marami sa mga residente ang nagreklamo sa naranasang 10 hanggang 12 oras na walang kur­yente. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *