Magkapatid sabong sa 2022 presidential bid

Balak daw ng isang politiko na tumakbo sa pampanguluhang halalan sa 2022.

magkapatid sabong sa 2022 presidential bid - Magkapatid sabong sa 2022 presidential bid
kartada11 9 - Magkapatid sabong sa 2022 presidential bid

Balak daw ng isang politiko na tumakbo sa pampanguluhang halalan sa 2022.

Gusto ng politiko na siya ang maging successor ni Pa­ngulong Duterte pagbaba nito sa puwesto.

Pero kahit nagbabalak tumakbo sa darating na halalan, tila wala namang ginagawang aksyon ang politiko as in parang nangingitlog lamang sa kanyang hideout.

Mas aktibo pa raw ang kapatid ng politiko sa pagpapa-interview sa media kahit na madalas itong ma-bash sa kanyang mga statement.

Base sa impormasyong natisod ni Mang Teban, mukhang balak din ng lady politician na tumakbong pangulo ng bansa.

Kapag nagkataon, baka magsabong muna ang magka­patid kung sino sa kanila ang babasbasan ng kanilang ina para tumakbo sa pampanguluhang halalan.

Hindi kasi puwedeng magsabay silang tumakbo dahil mabibiyak lang ang kanilang boto at ikatatalo lamang nila tulad ng nangyari sa magkapatid na sabay tumakbong senador.

Pintahan niyo na. Ang lady politician na binabalak sulutin ang ambisyon ng kanyang kapa­tid ay kilalang taklesa at katulad ni Imelda Papin ang hairdo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *