Magbebenta ng lupa tinodas sa resto

Patay ang isang la­laking nakipagkita sa buyer ng kanyang lupa matapos na ito ay pagbabarilin sa loob ng isang restoran sa Pagsanjan, Laguna Sabado nang umaga.

magbebenta ng lupa tinodas sa resto - Magbebenta ng lupa tinodas sa resto
patay 6 - Magbebenta ng lupa tinodas sa resto

Patay ang isang la­laking nakipagkita sa buyer ng kanyang lupa matapos na ito ay pagbabarilin sa loob ng isang restoran sa Pagsanjan, Laguna Sabado nang umaga.

Hindi na naisugod sa ospital at nasawi noon din ang biktimang si Emmanuel Flavier matapos na ito ay magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ng Pagsanjan police, pumasok sa Nanry Retaurant sa Barangay San Isidro ang biktima matapos nitong makipag-usap sa hindi tinukoy na bu­yer ng lupa alas-9:25 nang umaga.

Subalit isang lalaki ang sumunod dito sa loob at saka malapitan itong pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek matapos ang insidente.
Masusing iniim­bestigahan pa ng pulisya ang krimen at ina­alam ang motibo at kung kanino naki­pagkita ang biktima. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *