Magalong binuking donasyong expired test kit ng RITM

Hindi lang Baguio City ang tumanggap na expired na RT-PCR test kit mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

The post Magalong binuking donasyong expired test kit ng RITM first appeared on Abante.

magalong binuking donasyong expired test kit ng ritm - Magalong binuking donasyong expired test kit ng RITM
ritm - Magalong binuking donasyong expired test kit ng RITM

Hindi lang Baguio City ang tumanggap na expired na RT-PCR test kit mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Ito ang sinabi ni Contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasunod ng tinanggap na 50,000 RT-PCR test kit na natanggap ng isang pribadong diagnostic center sa Baguio City mula sa na RITM noong Oktubre, pero pa-expire na ang karamihan sa mga ito.

“Meron pa nga October 10, October 15 nag-expire na,” ani Magalong sa isang media briefing noong Miyerkoles, habang pinupunto na may mga nag-expire noong Nobyembre.

“Doon kami nagtataka and we’re raising hell,” aniya pa.

May iba pang lokal na pamahalaan ang nakatanggap din aniya ng mga pa-expire na test kit pero hindi nito binanggit kung anu-ano ang mga ito.

Inamin din ni Magalong na ipinabatid na niya ang reklamo sa Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Samantala nauna nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “never” nag-donate ang ahensiya at RITM ng expired test kit sa mga lokal na gobyerno.

“Baka po doon sa mga laboratories na nabigyan na namin dati ay nagkaroon na po ng expiry over the months that we had been using this RT-PCR,” dagdag niya. (RC)

The post Magalong binuking donasyong expired test kit ng RITM first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *