Magalong, 12 ‘ninja cops’ face-off sa Senado

MAGHAHARAP sa Senado ngayong Martes, Oktubre 1, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ang 12 pulis na isinangkot niya sa recycling ng iligal na droga sa bansa.

magalong 12 ninja cops face off sa senado - Magalong, 12 ‘ninja cops’ face-off sa Senado
ABANTE Magalong - Magalong, 12 ‘ninja cops’ face-off sa Senado

MAGHAHARAP sa Senado ngayong Martes, Oktubre 1, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ang 12 pulis na isinangkot niya sa recycling ng iligal na droga sa bansa.

Kinumpirma ni Senador Richard Gordon, chairman ng senate committee on justice at blue ribbon committee, bukod kay Magalong ay inimbitahan niya ang 12 tinaguriang ‘ninja cops’ sa pagdinig ng joint committee.

Ang pangalan ng 12 ‘ninja cops’ ay isisiwalat din ni Gordon sa hearing nga­yong Martes, pero minabuti niyang imbitahan ang mga ito sa hearing upang agad na makasagot sa mga akusasyon.

Unang isiniwalat ni Magalong, da­ting chief ng Criminal and Investigation Group ng Philippine National Police, ang pangalan ng 12 ‘ninja cops’ sa executive session o closed door hearing ng joint committee. Inawtorisahan naman ng Senado ang joint committee na isiwalat ang pangalan ng mga pulis na sangkot sa pagre-recyle ng iligal na droga.

“In-invite ko na ‘yung ‘ninja cops’ para magkaharap sila ni Magalong,” wika ni Gordon sa Abante.

Sa interview naman ni Cely Bueno ng DWIZ, sinabi ng senador na may matataas na ranggong sangkot sa drug recycling.

“Definitely mataas ang ranggo ng mga ‘yan. I have to commend General Ma­galong for his courage na humarap siya diyan, minsan nami-miss natin ‘yung point, hindi naman nagpapasabog ang tao, retired na siya, mayor na siya ng Baguio pero ‘di niya makimkim, ‘yung kinikimkim n’ya ‘di na niya mapigil buti ngayon lalabas at lalabas ang tawag diyan the long arm of the law,” saad ni Gordon.

Kabilang sa inimbitahan ni Gordon sa pagdinig ngayong Martes ay si PNP Chief General Oscar Albayalde.

Kasabay nito, isiniwalat din ni Gordon na isang kolumnista ang nakiusap umano sa kanya na huwag nang isiwalat ang pangalan ng ‘ninja cops’ pero tinanggihan niya ito.

“Wala naman except isang columnist na kaibigan ko sabi ‘wag ilabas eh may ebidensya na eh,” ayon sa senador.

Samantala, sinabi ni Lacson na marami siyang tatanungin kay Albayalde, lalo na sa dati niyang tauhan na nasangkot sa drug recycling at kidnap for ransom noong nadestino ito bilang provincial director ng Pampanga.

“Tauhan niya ang sinasabing nag-agaw-bato at nagpatubos sa Chinese. So mainam na rin. Ako may tatanungin din ako sa kanya para rin ma-clear niya ang sarili niya at kung mali-mali ang sagot niya baka ‘di niya ma-clear ang sarili niya. Nasa kanya ‘yan,”paliwanag ni Lacson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *