Mag-utol saktong sinilang kasabay ng bagyong Ondoy, Ulysses

Bagong biyaya ang dumating para sa isang pamilya kasabay ng pananalasa ng dalawang tinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Metro Manila.

The post Mag-utol saktong sinilang kasabay ng bagyong Ondoy, Ulysses first appeared on Abante.

mag utol saktong sinilang kasabay ng bagyong ondoy ulysses - Mag-utol saktong sinilang kasabay ng bagyong Ondoy, Ulysses
Baby - Mag-utol saktong sinilang kasabay ng bagyong Ondoy, Ulysses

Bagong biyaya ang dumating para sa isang pamilya kasabay ng pananalasa ng dalawang tinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Metro Manila.

Sa report ng Radyo Inquirer, binahagi ng isang ina ang kwento ng kanyang dalawang anak na saktong sinilang habang nananalasa ang bagyong Ondoy at Ulysses.

Sa Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal naninirahan ang pamilya na parte ng tribong Dumagat.

Dahil sa pambihirang pagkakataon, pinangalanan ang isa na Andoy matapos na ipanganak noong 2009 kasabay ng bagyong Ondoy.

Habang ang bagong silang na baby naman ay binansagang Eunice, malapit din sa pangalan ng bagyong Ulysses.

Pansamantalang naninirahan ang mag-ina sa isang tent matapos na masira ang kanilang bahay ng bagyo. (RP)

The post Mag-utol saktong sinilang kasabay ng bagyong Ondoy, Ulysses first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *