Mag-utol patay sa pagsagasa ng truck

Todas ang magkapatid matapos salpukin ang kanilang sinasakyang van ng isang trailer truck sa national highway sa Barangay San Luis, Diadi, Nueva Vizcaya noong Huwebes.

mag utol patay sa pagsagasa ng truck - Mag-utol patay sa pagsagasa ng truck
patay 6 - Mag-utol patay sa pagsagasa ng truck

Todas ang magkapatid matapos salpukin ang kanilang sinasakyang van ng isang trailer truck sa national highway sa Barangay San Luis, Diadi, Nueva Vizcaya noong Huwebes.

Kinilala ng Diadi Police Station (DPS) ang mga namatay na sina June Bautista, at nakakabatang kapatid nitong si Rico Bautista, parehong taga Minuli, Carranglan, Nueva Ecija.

Samantala, ang truck driver ay nakilalang si Joebert Adilla, 35, may asawa, ng Talulit, San Fernando, Pampanga.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa DPS, paliko umano ang mga biktima sa isang blind curb na kalsada ng nasabing barangay at inagaw ng kabilang linya at dito nakasalubong ang truck na minamaneho ni Adilla.

Dito, sinuwag ng kotse ng mga biktima ang truck.

Agad namang isinugod ang magkapatid sa ospital ngunit sila ay dead-on-arrival dahil sa tinamong mga malalalim na sugat sa ulot at katawan nito.

Sinabi ni DPS commander P/Capt. Felix Mendoza si Adilla ang nakakulong ngayon sa DPS jail at kasong reckless imprudence resulting to double homicide laban sa suspek. ALLAN BERGONIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *