Mag-utol magkayakap na natupok sa Tondo fire

NASAWI sa suffocation ang isang magkapatid na magkayakap pa nang matagpuan matapos na ma- trap sa loob ng kanilang kuwarto nang sumiklab ang isang sunog kahapon ng madaling-araw sa Tondo,Maynila.

The post Mag-utol magkayakap na natupok sa Tondo fire appeared first on Abante News Online.

mag utol magkayakap na natupok sa tondo fire - Mag-utol magkayakap na natupok sa Tondo fire
fire 1 - Mag-utol magkayakap na natupok sa Tondo fire

NASAWI sa suffocation ang isang magkapatid na magkayakap pa nang matagpuan matapos na ma- trap sa loob ng kanilang kuwarto nang sumiklab ang isang sunog kahapon ng madaling-araw sa Tondo,Maynila.

Magkayakap nang makita ang bangkay nina Ckrezhan Francine Jagunos, 15-anyos, babae, estudyante, at Hazel Lance Jagunos, 12-anyos, lalaki, estudyante, at pawang residente ng 1153 Soriano St., Tondo.

Mismong ang kanilang ina na si Gemma Jagunos, 36-anyos, vendor, ang kumilala sa mga bangkay.

Ayon sa Manila Police District Police Station 2 (MPD-PS-2), dakong alas 3:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa tinutuluyang tahanan ng mga biktima na sakop ng Brgy, 35, Zone 3, sa Tondo.

Nabatid na umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas 4:16 ng madaling-araw, at tuluyang idineklarang fireout dakong alas 4:37 ng madaling-araw.

Sa mapping operation nakita ang magkapatid sa loob ng kanilang silid na magkayakap pa na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid kay Fire Insp. Jose Troy Juaneza, substation commander ng Tondo Fire Station, posibleng na-suffocate sa usok ang mga biktima kaya hindi na nakalabas ng kanilang silid, dahil may apoy na rin sa labas ng pinto ng bahay.

Natutulog umano ang mga biktima nang iwanan ng kanilang ina upang mamalengke pero pagbalik ay malaki na ang apoy.

Sa impormasyon nakuha , naiwang nilulutong kanin ang ginang nang mamalengke ito, ang dahilan ng sunog.

Gayunman,patuloy ang imbestigasyon ng arson sa tunay na dahilan ng sunog.
May anim na bahay ang natupok at tinatayang nasa 12 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Hindi naman na kumalat ang apoy sa iba pang mga tahanan sa lugar dahil sa firewall ng mga kalapit bahay. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mag-utol magkayakap na natupok sa Tondo fire appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *