Mag-utol inararo ng kotse

NAKARATAY sa pagamutan ang magkapatid na tumilapon sa sinasak-yang motorsiklo nang araruhin umano ng kotse kahapon nang tanghali sa Ermita, Maynila.

The post Mag-utol inararo ng kotse appeared first on Abante News Online.

mag utol inararo ng kotse - Mag-utol inararo ng kotse
2019 Abante Police Line Crime Dead Accident Car - Mag-utol inararo ng kotse

NAKARATAY sa pagamutan ang magkapatid na tumilapon sa sinasak-yang motorsiklo nang araruhin umano ng kotse kahapon nang tanghali sa Ermita, Maynila.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagpapagaling sa Ospital ng Maynila ang mga biktima na sina Dian Macasasa, 45-anyo­s at kapatid na si Andi, 35, pawang taga-Baseco Compound sa Port Area.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit dakong alas-11:15 nang umaga nang salpukin ni Meynard Advincula, ng Dasmariñas, Cavite na nagmamaneho ng Honda Jazz na may plakang UMQ-385, ang motorsiklo na minamaneho ng batang Macasasa sa bandang P. Burgos.

Sa salaysay ng biktima, patungo umano ito sa Kalaw St. nang big-lang salpukin ng kotse.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima at pananakit ng likod dahil sa lakas ng pagkakabangga at tumilapon pa ng ilang metro.

Gayunman, nabatid na walang lisensiya si Andi nang mabundol kaya posible pa umano na sila pa ang makasuhan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mag-utol inararo ng kotse appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *